Tsina: tinututulan ang pakiki-alam ng suliranin ng ibang bansa sa katwiran ng “demokrasiya”

2021-10-05 11:06:53  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 4, 2021, sa kinauukulang pulong ng Ika-48 Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations, ipinahayag ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Geneva, ang pagtutol sa pakiki-alam sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katwiran ng “demokrasiya.”

Tsina: tinututulan ang pakiki-alam ng suliranin ng ibang bansa sa katwiran ng “demokrasiya”_fororder_03un

Ani Chen, ang multi-polarisasyon ng daigdig at pagiging demokratiko ng relasyong pandaigdig ay tunguhin ng panahon. Dapat aniya isagawa ng iba’t ibang bansa ang totoong multilateralismo, at pasulungin ang kooperasyon, kapayapaan at pag-unlad, para mas mabuting mapangalagaan ang karapatang pantao.

 

Nagtalumpati si Chen sa ngalan ng mahigit 10 bansa na may pare-parehong palagay na kinabibilangan ng Rusya, Sri Lanka, Belarus, Iran, Kambodya at iba pa.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method