CMG Komentaryo: Pagpapatupad sa National Human Rights Action Plan, tagumpay ng Tsina sa karapatang-pantao

2021-10-01 13:30:19  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pagpapatupad sa National Human Rights Action Plan, tagumpay ng Tsina sa karapatang-pantao_fororder_20211001komentaryo

Inilabas nitong Miyerkules, Setyembre 29, 2021 ng mga organong kinabibilangan ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang ulat sa kalagayan ng pagpapatupad ng National Human Rights Action Plan of China (2016-2020).
 

Sa kauna-unahang pagkakataon, inanyayahan ng Tsina ang mga di-pampamahalaang organo, para magsagawa ng obdiyektibo’t komprehensibong pagsusuri at pagtasa sa pag-unlad ng karapatang-pantao sa bansa.
 

Ayon sa nasabing ulat, lahat ng 168 target at tungkuling itinakda sa plano ay naisakatuparan.
 

Kabilang dito, mas maagang natupad o nahigitan pa ang maraming itinakdang target sa mga indeks at tungkulin.
 

Ipinakikita ng ulat na noong nagdaang 5 taon, natupad ng pamahalaang Tsino ayon sa nakatakdang iskedyul ang mga target sa mga aspektong gaya ng “karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura;” “karapatan ng mga mamamayan at karapatang pulitikal;” “karapatan ng mga espesyal na grupo;” “pagpapatupad ng pandaigdigang tratado sa karapatang-pantao at pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan;” at iba pa.
 

Kaugnay nito, idineklara ng Tsina noong nagdaang Hulyo ang pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa lahat ng mga aspekto - isang  hudyat ng  bagong simula ng pag-unlad at progreso sa usapin ng karapatang-pantao sa Tsina.
 

Ang nasabing mga natamong bunga ay hindi lamang mahahalagang tagumpay, kundi gumawa rin ng mahalagang ambag para sa pangangasiwa sa karapatang-pantao ng daigdig at progreso ng pandaigdigang usapin sa karapatang-pantao.
 

Ang karapatang-pantao ay naipakikita sa pamamagitan ng aksyon, at hindi sa mga islogan, karatula at pananalita lamang.
 

Hinggil dito, mabungang-mabunga ang resulta ng pagpupunyagi ng Tsina sa karapatang-pantao, at ang saligang sanhi nito ay ang palagiang pagigiit ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na gawing sentro ang mga mamamayan, pagsusulong sa unibersalidad ng karapatang-pantao ayon sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at pagpapasulong sa karapatang-pantao sa pamamagitan ng kaunlaran.
 

Matagumpay na hinanap ng Tsina ang landas ng pag-unlad sa karapatang-pantao na angkop sa kalagayan ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method