Sa kanyang talumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng Ika-7 G20 Parliamentary Speakers Summit na idinaos Oktubre 7, 2021, sa Rome, Italy, sinabi ni Mario Draghi, Punong Ministro ng Italy na dapat aktibong pasulungin ng mga parliamento ng iba't ibang miyembro ng G20 ang pagbabakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig .
Nanawagan siyang sa pamamagitan ng malakas at aktuwal na multilateral na mekanismo, magkakasamang harapin ng mga pamahalaan, parliamento at organisasyong di-pampamahalaan ng iba’t ibang bansa ang mga hamong pandaigdig.
Idinaos ang Ika-7 G20 Parliamentary Speakers' Summit sa kapuwang online at offline na paraan. Ang tema nito ay “Parliamento: Pagkakaloob ng serbisyo para sa mga mamamayan, pagbibigay-pansin sa buong daigdig, pagpapasulong ng kasaganaan.”
Lumahok sa summit ang mga lider ng organong lehislatibo ng miyembro ng G20 at mga namamahalang tauhan ng kinauukulang organisasyong pandaigdig. Tinalakay ang iba’t ibang kalahok na panig ang mga temang kinabibilangan ng pagharap sa krisis sa lipunan at pagtatrabaho na dulot ng COVID-19, muling pagsisimula ng paglaki ng kabuhayan batay sa sustenableng pag-unlad ng lipunan at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac