Komprehensibong pagpapatupad ng kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, angkop sa kapakanan ng iba’t-ibang panig — Amerika

2021-10-08 10:23:40  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyung nuklear ng Iran, ipinahayag nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021 ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na pawang naniniwala ang 5 pirmihang kasaping bansang kinabibilangan ng Amerika, Tsina, at Rusya at Alemanya na ang pagpapanumbalik ng komprehensibong pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Action, JCPOA (kasunduan ng isyung nuklear ng Iran), ay pinakamabuti at pinakamabisang balangkas para sa pagsasakatuparan ng komong kapakanan.

Aniya, ipinalalagay ng Amerika, Alemanya, Pransya, Unyong Europeo, Britanya, Rusya, at Tsina na hindi dapat paunlarin ng Iran ang sandatang nuklear.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method