Ministrong Panlabas ng Tsina: Dapat itatag ang mas mahigpit na komunidad ng kapalaran ng Tsina at ASEAN

2021-10-09 16:17:36  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Resepsyon bilang Paggunita sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idinaos Oktubre 8, 2021, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na, dapat pahalagahan ng Tsina at ASEAN ang karanasan nitong nakaraang 30 taon sapul nang itinatatag ang relasyong pandiyalogo ng dalawang panig noong 1991. At dapat itatag ang mas mahigpit na komunidad ng kapalaran, para likhain ang mas mabuting estratehikong kapaligiran para sa pag-unlad ng kapuwang dalawang panig at pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Ministrong Panlabas ng Tsina: Dapat itatag ang mas mahigpit na komunidad ng kapalaran ng Tsina at ASEAN_fororder_02wangyi

Kugnay nito, iniharap ni Wang ang 6 na mungkahi:

Una, dapat pataasin ang dekalidad na relasyon ng dalawang panig;

Ikalawa, dapat itatag ang bagong punto ng paglaki ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig;

Ikatlo, dapat igarantiya ang pagbabahagi sa mga mamamayan ng benepisyo ng kooperasyon;

Ikaapat, dapat patibayin ang pundasyon ng pagpapalitang kultural at panlipunan ng dalawang panig;

Ikalima, dapat pangalagaan ang kaligtasan sa South China Sea;

At ikaanim, dapat ibigay ang positibong enerhiya para sa pagsasaayos ng buong mundo.

 

Samantala, ipinahayag ni Pehin Rahmani, Rotating Chairman ng Komite ng ASEAN sa Beijing at Embahador ng Brunei sa Tsina, na lubos ang kompiyansa ng ASEAN sa relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap. Inaasahan ng ASEAN na palalalimin ang estratehikong partnership sa Tsina para magbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method