Relasyong Sino-ASEAN, mahalagang puwersang tagapagpasulong sa rehiyong Silangang Asyano

2021-09-12 13:07:22  CMG
Share with:

Ngayong taon ay ika-30 anibersaryo ng pormal na pagsisimula ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Relasyong Sino-ASEAN, mahalagang puwersang tagapagpasulong sa rehiyong Silangang Asyano_fororder_20210912Komersyo600

Sa Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN nitong Setyembre 11, 2021, sinabi ni Ren Hongbin, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nitong 30 taong nakalipas, napakabilis umunlad ang relasyong Sino-ASEAN, at nagsisilbing pinakamatagumpay at pinakamasiglang modelo ng kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.

Ito rin aniya ay mahalagang puwersang tagapagpasulong sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong Silangang Asyano.

Sa nasabing porum, inilahad ni Ren na nitong 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, 85 beses lumaki  ang halaga ng kalakalan ng kapuwa panig, at dahil dito, ang dalawa ay  naging pinakamalaking trade partner ng isa’t-isa.

Mula noong Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon, umabot sa 553.9 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa ASEAN na katumbas ng 14.5% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina sa gayunding panahon.

Ito ay lumaki ng 33.3% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng ASEAN upang ibayo pang mapaunlad ang estratehikong pag-uugnayan, mapasulong ang de-kalidad na konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative, mapalalim ang konektibidad, at magkasamang mapasulong ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mas mataas na lebel.

Relasyong Sino-ASEAN, mahalagang puwersang tagapagpasulong sa rehiyong Silangang Asyano_fororder_20210912ASEANSEC600

Ipinahayag naman sa ni Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na ang kasalukuyang taon ay isang mahalagang milestone ng relasyong ASEAN-Sino.

Aniya pa, ang Tsina ay nananatiling maaasahang katuwang ng ASEAN.

Ang kooperasyong ASEAN-Sino ay nakakapagbigay ng positibong bunga at benepisyo sa mga mamamayan ng kapwa panig, dagdag niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method