Kooperasyong Sino-ASEAN sa koryente, walang humpay na lumalawak

2021-09-12 13:09:56  CMG
Share with:

Bilang isa sa mga mahalagang aktibidad ng Ika-18 China-ASEAN Expo (CAExpo), idinaos nitong Setyembre 11, 2021 sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang China-ASEAN Power Cooperation and Development Forum.

Sa porum, ipinahayag ni Zhang Jianhua, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Enerhiya ng Tsina, na mabilis umuunlad ang pandaigdigang estruktura ng enerhiya tungo sa mababang karbon at luntiang porma.

Bilang nukleo ng teknolohiyang pang-enerhiya, ang koryente ay mahalagang nilalaman ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, ani Zhang.

Ayon sa ulat, noong isang taon, sa mga proyektong aktuwal na pinamuhunanan ng mga pangunahing kompanya ng koryente ng Tsina sa ibang bansa, 47% ay nasa mga bansang ASEAN.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method