Kunming, Tsina — Bubuksan Oktubre 11, 2021 ang Ika-15 Pulong ng mga Signataryong Panig sa United Nations (UN) “Convention on Biological Diversity (CBD).”
Sa bisperas ng nasabing pulong, sinabi ni Elizabeth Maruma Mrema, Kalihim na Tagapagpaganap ng Sekretaryat ng CBD, na ang Tsina ay isa sa mga bansang pinakamaagang sumapi sa nasabing kasunduan.
Binigyan niya ng lubos na papuri ang natamong bunga ng Tsina sa aspekto ng pangangalaga sa biolohikal na dibersidad.
Bukod dito, ipinaabot din niya ang pasasalamat sa ginagawang pagsisikap ng Tsina para sa naturang pulong.
Salin: Lito
Pulido: Rhio