Inilabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa pangangalaga ng bansa sa biodiversity.
Isinalaysay ng white paper na bilang isa sa mga signataryong panig na pinakamaagang lumagda at nag-aproba sa Convention on Biological Diversity (CBD), laging lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa biodiversity, ginagawang pambansang estratehiya ang pangangalaga sa biodiversity, at walang humpay na pinapasulong ang may inobasyong pag-unlad ng usapin sa aspektong ito.
Kapansin-pansing bunga ang natamo ng Tsina sa pangangalaga sa biodiversity, at hinanap ang landas ng pangangalaga sa biodiversity na may katangiang Tsino, dagdag ng dokumento.
Tinukoy ng white paper na buong tatag na ipinapatupad ng Tsina ang multilateralismo, aktibong isinasagawa ang pandaigdigang kooperasyon sa aspekto ng pangangalaga sa biodiversity, binibigyan ng katalinuhan ng bansa ang usapin ng buong mundo sa pangangalaga sa biodiversity, at itinatatag, kasama ng komunidad ng daigdig ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan at kalikasan.
Salin: Vera
Pulido: Mac