Symposium ng CMG 4K Ultra HD Olympic Channel, idinaos sa Beijing

2021-10-12 16:32:28  CMG
Share with:

Idinaos Oktubre 11, 2021, dito sa Beijing, ang Talakayan sa Pagsasahimpapawid ng China Media Group (CMG) 4K Ultra HD Olympic Channel. Ito ang kauna-unahang 24/7, 4K Ultra HD satellite television sports channel sa buong mundo.

 

Sa kanyang talumpati sa symposium, binigyan-diin ni Shen Haixiong, Pangulo ng CMG, na ang pangunahing misyon ng pagsasahimpapawid ng tsanel ng Olympic ay pagkakaloob ng serbisyo para sa 2022 Beijing Winter Olympic Games at Paralympics, mabuting paglalahad ng mga kwento ng Olimpiyada sa Tsina, at pagpapalabas ng kahanga-hangang kapistahan ng Winter Olympics para sa mga tagapanood ng buong mundo.

Symposium ng CMG 4K Ultra HD Olympic Channel, idinaos sa Beijing_fororder_01talakayan

Bilang bunga ng estratehikong kooperasyon ng CMG at International Olympic Committee (IOC), ang tsanel na ito ay tanging plataporma ng media na pinahintulutan ng IOC na gamitin ang pamagat at logo ng Olympics sa Chinese mainland.

 

Ang tsanel na ito ay kinabibilangan ng telebisyon na tsanel ng Olympic at digital na plataporma. Ang CCTV 16 ay magkakaloob ng kasabay na pagsasahimpapawid. Samantala ang digital na plataporma nito ay kinabibilangan ng PC, mobile APP, webpage na H5, at mga social media na tulad ng WeChat at Sina Weibo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method