Unang pandaigdigang subok na paligsahan para sa Beijing Winter Olympics, binuksan

2021-10-09 15:28:41  CMG
Share with:

Unang pandaigdigang subok na paligsahan para sa Beijing Winter Olympics, binuksan_fororder_f6496430ff3f4a57bdeb9463008

 

Bilang kauna-unahang pandaigdigang subok na paligsahan para sa Beijing 2022 Olympic Winter Games, binuksan kahapon, Oktubre 8, 2021, sa Beijing, ang Speed Skating China Open.

 

Kalahok dito ang mahigit 20 manlalaro mula sa Tsina, Timog Korea, at Netherlands.

 

Idinaraos sa National Speed Skating Oval o tinatawag ding "Ice Ribbon," venue ng Beijing Winter Olympics, ang naturang paligsahan ay isa sa 15 subok na aktibidad para sa palarong ito.

 

Sa pamamagitan ng mahalagang paghahandang ito, susubukin ang iba't ibang operasyon para sa Beijing Winter Olympics, lalung-lalo na ang mga hakbangin kontra pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method