Sa pamamagitan ng video link, pinanguluhan ni Mario Draghi, Punong Ministro ng Italya, Oktubre 12, 2021, ang Espesyal na Summit ng mga Lider ng G20 sa isyu ng Afghanistan.
Aniya, kinakaharap ng Afghanistan ang grabeng makataong krisis, at responsibilidad ng G20 na tulungan ang Afghanistan na patatagin ang ekonomikong kalagayan ng bansa at lutasin ang mga problema sa lalo madaling panahon.
Tinalakay din sa summit kung paaano matitigil ang pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Afghanistan, maiiwasan ang muling pagiging kanlungan ng terorismo ng bansa, at iba pa.
Lumahok sa pulong ang mga miyembro ng G20 at panauhing bansa, at mga namamahalang tauhan ng mga kinauukulang organisasyong pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio