Pag-uusap ng Afghan Taliban at Amerika, tapos na

2021-10-11 10:48:05  CMG
Share with:

Natapos Linggo, Oktubre 10 (local time), 2021, sa Doha, kabisera ng Qatar ang pag-uusap ng mga delegasyon ng Afghan Taliban at Amerika.

Tinalakay ng kapuwa panig ang tungkol sa mga isyung kinabibilangan ng bilateral na relasyon, pagpapatupad ng narating na “kasunduang pangkapayapaan” sa Doha noong Pebrero 2020, pagbibigay-wakas sa sangsyong pangkabuhayan laban sa Afghanistan, pagtanggal ng kontrol sa ari-arian ng Bangko Sentral ng Afghanistan, at pagbibigay ng makataong tulong sa bansang ito.

Subalit matapos ang pagtatagpo, hindi inihayag ng panig Amerikano ang kongkretong nilalaman ng mga napagkasunduan.

Sa kabilang dako, isiniwalat ng Afghan Taliban na napaka-positibo ang naturang pag-uusap.

Umaasa silang mapapasulong ang pagkilala ng Amerika at komunidad ng daigdig sa rehimen ng Afghan Taliban at mapapanumbalik ang tulong na ekonomiko sa Afghanistan.

Malinaw na tinukoy ng Afghan Taliban na ang magulong situwasyong pulitikal sa Afghanistan ay hindi angkop sa kapakanan ng anumang kinauukulang panig.

Hinggil dito, nilinaw  ng panig Amerikano na ang nasabing pag-uusap ay hindi sumasagisag sa pagkakilala ng Amerika sa legalidad ng rehimen ng Afghan Taliban.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method