“Uyghur Tribunal,” malaking kasinungalingan — Tsina

2021-10-13 15:59:40  CMG
Share with:

Napabalita kamakailan sa ilang dayuhang social media ang isyu ng “bayad na saksi” sa umano’y “Uyghur Tribunal.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 12, 2021 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umano’y “Uyghur Tribunal” ay itinatag ng “World Uyghur Congress,” isang marahas, teroristiko at separatistang organisasyon.

“Uyghur Tribunal,” malaking kasinungalingan — Tsina_fororder_04weiwuer

Sa pamamagitan ng paggamit ng ilang puwersang kontra-Tsina, nililinlang ng organisasyong ito ang publiko, at wala itong anumang kuwalipikasong pambatas o kredibilidad, ani Zhao.

 

Tinukoy ni Zhao na tiyak ang pagbuti at pag-unlad ng Xinjiang ng Tsina, at tiyak ding magiging mas obdiyektibo ang palagay ng komunidad ng daigdig sa patakaran ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method