Nagtalumpati Oktubre 12, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Summit ng mga Lider ng Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP-15 CBD) na idinaraos sa lunsod Kunming ng lalawigang Yunnan ng Tsina.
Tinukoy ni Xi ang target at direksyon para sa pagsasa-ayos ng biolohikal na dibersidad ng buong mundo sa hinaharap.
Kaugnay nito, sunud-sunod na pinapurihan ng mga kalahok na opisyal at personahe mula sa mga organisasyon sa loob at labas ng Tsina, na kinabibilangan ng Ministri ng Biolohikal at Kapaligiran ng Tsina, Asia Development Bank, International Network For Bamboo and Rattan, Paulson Institute at iba pa, ang malalim ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Xi.
Sinabi nilang ang talumpating ito ay hindi lamang naglahad ng kapasiyahan ng Tsina na pangalagaan, at itatag ang may-harmonyang pakikipamuhayan ng tao at kapaligiran, kundi nagpataas din ng kompiyansa ng buong daigdig sa pagtatayo ng mas pantay at makatuwirang bagong sistema ng pagsasa-ayos sa biolohikal na dibersidad ng buong mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio