Sa kanyang pagdalo sa Plenaryong Sesyon ng Porum ng Rusya sa Linggo ng Enerhiya, Oktubre 13, 2021, ipinahayag ni Viladmir Putin, Pangulo ng Rusya, na ang Tsina ay ang pinakamapagkakatiwalaang estratehikong katuwang ng Rusya, at napapanatili ng dalawang panig ang mabisang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Aniya, sa kabila ng epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nananatiling mabuti ang kalakalan ng Tsina at Rusya at mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig sa larangan ng enerhiya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio