Magkasanib na pahayag ng Tsina at Rusya hinggil sa pagpapalakas ng BWC, nagpapakita ng mataas na lebel ng kooperasyon

2021-10-09 15:30:11  CMG
Share with:

Sa panahon ng pulong ng United Nations General Assembly First Committee (Disarmament & International Security), inilabas nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021 ng Tsina at Rusya ang magkasanib na pahayag ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalakas ng Biological Weapon Convention (BWC).
 

Kaugnay nito, inihayag kahapon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ang kauna-unahang magkasanib na pahayag ng dalawang bansa tungkol sa isyung ito, bagay na hindi lamang nagpapakita ng mataas na lebel ng komprehensibo’t estratehikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa bagong panahon, kundi nagpapatunay rin ng matibay na determinasyon at responsableng pakikitungo ng dalawang bansa sa pangangalaga sa pandaigdigang seguridad na biolohikal, at pagtatanggol sa multilateralismo.
 

Ayon sa ulat, inulit ng nasabing pahayag ang kahalagahan ng BWC para sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
 

Tinukoy rin nitong ang military biological activities ng Amerika sa loob at labas ng bansa ay nagsisilbing malubhang panganib sa seguridad ng Tsina, Rusya at iba pang bansa’t rehiyon.
 

Hinimok ng pahayag ang Amerika na ipaliwanag ang mga military biological activities nito sa loob at labas ng bansa, at itigil ang paghadlang sa pagbuo ng verification regime.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method