Usapin ng matandang populasyon ng Tsina, lubos na pinahahalagahan ng Pangulong Tsino

2021-10-14 16:38:43  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdiriwang ng Pestibal ng Doble Nuwebe, tradisyonal na kapistahan at Araw ng Matatanda ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping, sa ngalan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang marubdob na pagbati at hangaring maging malusog at magkaroon pa ng maligaya at mahabang buhay ang lahat ng matatanda ng buong bansa.

Nananatiling mabuting tradisyon ng Nasyong Tsino ang pagbibigay-galang sa matatanda.

Ang puspusang pagsisikap para magkaroon ang lahat ng matatanda ng maligayang pamumuhay ay laging pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sa aktibidad bilang paglalagom at pagbibigay-gantimpala sa gawain ng pagpawi sa karalitaan na ginanap noong Pebrero 25, 2021 sa Great Hall of the People sa Beijing, ginawaran ng gantimpala ni Pangulong Xi ang mga nakakuha ng titulong pandangal sa usaping ito.

Usapin ng matandang populasyon ng Tsina, lubos na pinahahalagahan ng Pangulong Tsino_fororder_20211014Xitanda

Habang umaakyat sa entablado ang 98 anyos na si Xia Sen, sakay ng kanyang wheel chair, sinikap niyang tumayo upang tanggapin ang honor certificate mula kay Pangulong Xi.

Ngunit sinenyasan siya ni Xi na umupo, at yumuko si Xi para ipagkaloob ang nasabing sertipikado kay Xia.

Ipinagdiinan ni Xi na “Hindi pa huli ang pagkakamit ng bagong kaalaman. Ito ang dapat maging malusog at positibong hangarin ng bawat tao. Para magkaroon ng malusog na pag-iisip at katawan, kailangang walang patid na pag-aaral.”

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang kalusugan ng matatanda.

Noong isang taon, sa pamumuno ni Pangulong Xi, nailigtas ng Tsina ang maraming buhay ng matatanda mula sa galamay ng kapinsalaan dahil sa epektibong paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sa probinsyang Hubei lamang, mahigit 3 libong maysakit na may edad 80 anyos pataas at 7 maysakit na may edad 100 anyos pataas ang nailigtas mula sa COVID-19.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method