Tsina, may kompiyansang itataguyod ang isang simple, ligtas at kamangha-manghang Olimpiyada

2021-10-15 15:19:00  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, inihayag kamakalawa, Oktubre 13, 2021 ni John Coates, Pangalawang Presidente ng International Olympic Committee (IOC) na hindi bibigyan ng presyur ng IOC ang Tsina, host ng 2022 Olympic Winter Games, dahil sa umano’y rekord sa karapatang pantao, dahil ang pagpapadala ng kautusan sa soberanong bansa ay hindi kapangyarihan ng IOC. Aniya, walang katuturan ang pagboykot ng anumang bansa sa Beijing Olympic Winter Games.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na gaganapin ang Beijing Winter Olympics sa Pebrero 4, 2022, at may kompiyansa ang panig Tsino na kayang gawin ang isang simple, ligtas at kamangha-manghang Olimpiyada sa daigdig.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng komunidad ng daigdig, na magkasamng tutulan ang pagsasapulitika ng palakasan, at magkakapit-bisig na ipakita ang bagong diwa ng Olimpiyada na “Together.”
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method