Bilang isa sa mahahalagang proyekto ng 2022 Olympic Winter Games, natapos kamakailan ang pagtatayo ng pangunahing estruktura ng Museo ng Kultura ng Yelo’t Niyebe ng Chongli.
Ito ang kauna-unahang museo sa loob ng bansa na may tema ng Olympic Winter Games.
Ang nasabing museo ay may kabuuang saklaw na 24,035 metro kuwadrado, na kinabibilangan ng 6,861 metro kuwadradong museo ng yelo’t niyebe. Itatanghal dito ang proseso ng pag-unlad ng palakasan sa yelo’t niyebe ng daigdig, mga kagamitan, larawan at video sa mga nakaraang Olimpiyada sa taglamig.
Ang museong ito ay ipinangalan sa mga etnikong Tsino, dahil sa malaki nilang kontribusyon sa proseso ng konstruksyon, bagay na naggarantiya sa pagsulong ng proyekto ayon sa nakatakdang iskedyul.
Salin: Vera
Pulido: Rhio