Nag-usap kahapon, Oktubre 14, 2021, sa pamamagitan ng video link, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Koordinador ng Indonesia sa Kooperasyon ng Indonesia at Tsina, at Ministro ng Koordinasyon sa mga suliraning pandagat at pamumuhunan.
Ipinahayag ni Wang na sa patnubay ng napagkasunduang palagay ng mga lider ng dalawang bansa, dapat patuloy na patingkarin ng Tsina at Indonesia ang mahalagang papel ng mekanismo ng diyalogo sa mataas na antas, paunlarin ang kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, kultura at dagat, at pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa tungo sa pangkalahatang direksyon ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Ipinahayag din ni Wang ang pagtanggap sa pagbili ng Indonesia ng mas maraming bakunang kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesia, para magkasamang tutulan ang stigmatisasyon ng COVID-19 at pagsasapulitika ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Susuportahan ng Tsina ang Indonesia sa pagdaraos ng Ika-17 Summit ng G20 sa 2022, sinabi pa ni Wang.
Samantala, ipinahayag ni Luhut na buong tatag na nananangan ang Indonesia sa patakaran ng pagkakaibigan sa Tsina. Pinapurihan ng Indonesia ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at inaasahang palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa bakuna kontra COVID-19, at pabilisin ang mga proyekto ng Belt and Road Initiative (BRI).
Bukod dito, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na palakasin ang pagpapalitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa mataas na antas, pasulungin ang pag-a-upgrade ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac