Kaugnay ng paglala ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Indonesia, sinabi nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang bakuna kontra COVID-19 at mga pangkagipitang suplay na gaya ng oxygen generators at ventilators.
Samantala, ibibigay rin aniya ng mga pamahalaang lokal, kompanya at organisasyong di-pampamahalaan ang mas maraming suporta sa panig Indonesian.
Dagdag ni Zhao, bilang mga malaking umuunlad na bansa, laging nangunguna ang Tsina at Indonesia sa pandaigdigang kooperasyon laban sa COVID-19.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na mahigpit na makipag-ugnayan sa panig Indonesian, ipatupad ang iba’t ibang gawaing pangkooperasyon, at tulungan ang Indonesia na pagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
Pulido: Mac