Isang mensahe ang ipinadala nitong Martes, Agosto 17, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo, bilang pagbati sa ika-76 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Indonesia.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 76 na taon, kapansin-pansin ang bungang natamo ng pagtatatag ng bansa ng Indonesia, at gumawa ito ng mahalagang ambag para sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Saad ni Xi, sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indonesian, magkakapit-bisig na nilalaban ng dalawang bansa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), magkasamang hinahanap ang pagbangon ng kabuhaya’t lipunan, at pinapasulong ang katarungang pandaigdig.
Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indonesia, at nakahandang magpunyagi, kasama ni Pangulong Widodo, para patnubayan ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas, at hangarin ang mas malaking biyaya para sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Nang araw ring iyon, ipinadala naman ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensaheng pambati kay Pangulong Widodo.
Salin: Vera
Pulido: Mac