Deklarasyon ng Kunming, kapasiyahan at aksyon ng iba’t ibang panig sa paglutas ng problema sa biodiversity

2021-10-15 15:50:04  CMG
Share with:

Pinagtibay Oktubre 13, 2021, sa Ika-15 Conference of the Parties to the Convention on Biological Diversity (COP 15) ng United Nations (UN) ang Deklarasyon ng Kunming. Ito ay panawagan sa iba’t ibang panig na isagawa ang aksyon para magkakasamang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng lahat ng anyong-buhay sa mundo.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 14, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang isang pulitikal na deklarasyon, ang pangunahing layunin ng Deklarasyon ng Kunming ay pagpapakita ng mithiing pulitikal, kapasiyahan at aksyon ng iba’t ibang panig sa paglutas ng usapin ng pagkasira ng biodiversity. Ito rin ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng may harmoniyang pamumuhay ng kalikasan at sangkatauhan para sa taong 2050.

 

Bukod dito, ipinaalam ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa COP15 Summit na ilalaan ng Tsina ang 1.5 bilyong yuan RMB (mahigit USD $230 million) para sa Kunming Biodiversity Fund. Ipinahayag ni Zhao na nakahanda ang Tsina na samantalahin ang pagkakataong ito, pangalagaan, kasama ng iba’t ibang panig ang Mundo.

Deklarasyon ng Kunming, kapasiyahan at aksyon ng iba’t ibang panig sa paglutas ng problema sa biodiversity_fororder_02zhaolijian

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method