“Beijing Declaration,” ipinalabas sa Ika-2 Komperensya ng UN sa Sustenableng Transportasyon

2021-10-17 12:38:53  CMG
Share with:

Ipininid sa Beijing Sabado, Oktubre 16, 2021 ang Ika-2 Komperensya ng United Nations sa Sustenableng Transportasyon.

Sa pamamagitan ng opisyal na website ng nasabing komperensya, ipinalabas sa araw ring iyon ang “Deklarasyon ng Beijing.”

Inilahad ng deklarasyon ang kahalagahan ng sustenableng transportasyon.

Tinukoy nito na ang mabilis na paglipat tungo sa sustenableng transportasyon ay mahalagang paraan sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Bukod pa riyan, isinaad ng deklarasyon na ang angkop na paggamit ng bagong teknolohiya ay susi para sa paglutas sa napakaraming hamon, at hinikayat ang iba’t-ibang bansa na magtulungan at magpalitan ng mga karanasan para ibayo pang mapaunlad ang sistema ng sustenableng transportasyon.

Anito pa, pinasasalamatan ng mga lumahok at nakibahagi ang pagtataguyod ng Tsina sa naturang pulong.

Winiwelkam nila ang pagtatatag ng Tsina ng Pandaigdigang Sentro ng Inobasyon at Kaalaman sa Sustenableng Transportasyon para makapagbigay ng ambag sa pagpapaunlad ng transportasyon sa buong daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method