CAExpo Tourism Exhibition, pinasinayaan

2021-10-17 12:42:24  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pagpapalalim ng Konstruksyon ng ‘Belt and Road,’ Pagpapasulong ng De-kalidad na Pag-unlad ng Turismo,” binuksan kamakailan sa International Exhibition Center, sa lunsod Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina ang 2021 China-ASEAN Expo (CAExpo) Tourism Exhibition.

Tampok ng nasabing eksbisyon ang pagsasakatuparan ng kaukulang target sa “Prospek ng Estratehikong Partnership ng Tsina at ASEAN sa Taong 2030,” malalimang pakikilahok sa konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative, paglilingkod sa konstruksyon ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN, at pagpapasulong ng kooperasyong panturista ng Tsina at 10 bansang ASEAN (10+1).

Ayon sa ulat, mahigit 330 mangangalakal mula sa 10 bansang ASEAN ang kalahok sa naturang eksbisyon.

Sapul noong taong 2015, 6 beses nang idinaos ang CAExpo Tourism Exhibition sa Guilin.

Unti-unti itong nagiging pagtitipun-tipon ng konektibidad, pagpapalitan at pagtutulungang panturismo sa loob at labas ng Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method