Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

2021-10-09 13:05:01  CMG
Share with:

Kada taon, mula Oktubre 1 hanggang 7, idinaraos ang National Day holiday sa Tsina. Tinatawag din itong Golden Week.

 

Para kay Dominic Dalida, Head ng Technology Department sa Clifford International School sa Panyu, Guangzhou, ito na ang pagkakataon para puntahan ang huling lugar sa kanyang China bucket list of trips. Dalawampung (20) taon na siyang nagtatrabaho sa Tsina at sinamantala niya ang magandang panahon at nagbiyahe sa Lhasa at Everest base camp sa Tibet.

 

Ani Dominic,“most sought-after”na lugar ang Tibet dahil sa walang kaparis na kapaligiran, mayamang kultura at mahalagang kasaysayan. At siyempre para makita mismo ang Mt. Everest (Qomolangma). Low risk area din ito kung pag-uusapan ang sitwasyon ng pandemya.

 

Hindi basta-basta ang pag-akyat sa base camp. Kaya nanatili muna ang grupo ni Dominic sa Lhasa at Shigatse ng ilang araw para hindi mabigla ang kanilang katawan sa high altitude. Habang naroon, nagkaroon sila ng pagkakataong malaman ang tungkol sa Tibetan Buddhism. At pinasyalan ang mga glaciers at turquoise colored natural lake.

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Si Dominic Dalida sa Shigatse

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Si Dominic Dalida sa harap ng Potala Palace, Lhasa

 

Nang maakyat ang base camp ng Mt. Everest, aniya,“I felt humbled, connected and grateful to have this privilege to see the mountain in its enormity.”

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Si Dominic Dalida sa Everest Base Camp na 5200 meters above sea level

 

Samantala, urong-sulong naman ang travel plans ni Hazel Claire Tan, na nagtatrabaho sa Bytedance, isang international video sharing platform na nakabase sa Beijing. Naunsyami ang balak nila ng kaibigan na magpunta sa Heilongjian, Jilin at Liaoning  sa dakong hilaga-silangan ng Tsina dahil nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa Harbin sa panahon ng Golden Week holiday. Para kay Hazel, last minute decision ang Changsha,  punong lunsod ng lalawigang Hunan. 

 

Ang Changsha ay gusto ni Hazel na balik-balikan dahil madaling puntahan ang lugar at dahil din sa masarap na pagkain.   

  

“Hunan cuisine is quite interesting, and I prefer the type of spiciness they have there than the numbing kind that Sichuan is famous for. Changsha (gives) something like a laid-back feeling wherein you can actually relax and slow down. Somehow, the feeling is similar to the time when I used to work in Manila where everything is fast-paced and then going back to Cebu (where I am from) for the holidays,” kwento ni Hazel.

 

Ilan sa mga dapat kainin kapag nasa Changsha ayon kay Hazel ay ang fried pork with chili, crayfish, stinky tofu at rice noodles.

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

crayfish

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause_fororder_微信图片_20211010192448

fried pork with chili

 

Dapat puntahan ang 坡(pō)子(zǐ)街(jiē) o Pozi Street dahil sa napakaraming shops at restos. Dito aniya,“Malayo pa ay amoy na amoy na ang stinky tofu, trying the stinky tofu is an experience.”  Pinipilahan din ang 茶(chá)颜(yán)悦(yuè)色(sè) o Chayan Yuese, isang local brand at rekomendado ni Hazel ang 幽(yōu)兰(lán)拿(ná)铁(tiě) o Orchid Latte.  

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

stinky tofu

 

Ang 橘(jú)子(zǐ)洲(zhōu) o Orange Isle/Orange Island ay lugar na di rin dapat palampasin, saad ni Hazel lalo na sa mga first time visitors ng Changsha. Makikita rito ang young Mao Zedong statue.

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Si Hazel Claire Tan sa Changsha

 

Samantala, may ilang Pinoy ang nanatili lang sa Beijing.  Ang grupo ng BIMPAAK (Benguet, Ifugao, Mountain Province, Abra, Apayao, Kalinga) ay may regular na WeRun activity. Ang WeRun ayon sa Igorot elder na si Jenny Marcos ay aktibidad na humihimok sa mga miyembro nitong maging mas health conscious sa pamamagitan ng paglalakad o pagtakbo. Sa loob ng isang buwan, binibilang nila ang mga steps ng WeRun participants. May multa ang di makaabot sa takdang bilang ng steps. Ang nakakalap na pondo ay ginagamit ng grupo para sa kanilang outreach activities para sa mga kabataan at mga eskwelahan sa Pilipinas.

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Si Jenny Marcos at mga sumali sa isang aktibidad ng WeRun 2021

 

Higit pa rito, ani Jenny sa panahon ng pandemya, nakatulong itong magkaroon ng  positive feelings ang mga Igorot sa Tsina.“Losing the challenge is fun and rewarding at the same time because it's for a good cause,”aniya pa.

 

Ang kanilang culminating activity ay pumatak nitong Oktubre 1, at sumabay sa National Day ng Tsina. Ang  group ay may  "walk shop" leader na naghahanap ng mga lugar na di matao at ligtas gaya ng mga parke, daan sa gilid ng canals at mga tagong lugar sa lunsod.

 

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

Golden Week, bakasyon ng Pinoy para sa bucket list, food trip at bonding for a cause

 

Sa tulong ng kanilang paglalakad, nadidiskubre nila ang mas maraming mga lugar sa Beijing. “Participants are encouraged to move at their own pace and time. They are encouraged to share photos taken during the walk. The photos will serve as 'Pathfinders' for others to go find the location,” masayang paglalahad ni Jenny.

 

Sa buwan ng Nobyembre, sisimulan ulit ng mga Igorot sa Tsina kasama ng kanilang mga dayuhang kaibigan ang“Movember WeRun.” Layon ng BIMPAAK na suportahan ang cancer awareness. At ang pondo na makakalap mula sa mga multa ay mapupunta sa mga cancer patients ng Mountain Province.

 

Bilang pagtatapos paalala ni Jenny sa mga kababayan sa Pilipinas na apektado pa rin ng pandemic lockdowns, "Movement is Life. When you take care for yourself, then you are taking care of your family, your loved ones. Walking is free and very doable. So, just walk or even better- run!"

 

Samantala, mensahe naman ni Dominic,“I’ve been away from my wife and kids for a year and a half now due to pandemic. Filipinos love traveling and traveling around amazing places in China on my own has become a way for me to connect and share these experiences with them at least via live video calls wherever I may be. Keep the hope alive and our families safe and healthy. We can’t wait to see you and one day we’re all going to be together again stronger than ever.”

 

Positibong pananaw naman ang ibinahagi ni Hazel, “It’s difficult for a lot of people to just stay home or be restricted. But sometimes, staying home and staying safe is not really as bad as it seems. The reason many people within China can travel to different cities within China is because during the height of the pandemic, the government applied strict regulations that people followed. I believe Philippines can be the same if we follow the same discipline. So be patient and also stay kind. Help each other. Take the time to talk with your family.  Spend the time with your kids.  Take this time for yourself. Discover something new. So hang in there! Things will get better.“

 

 

Ulat: Machelle Ramos

Patnugot sa teksto: Jade/Mac

Patnugot sa web: Jade/Vera

Mga larawan: Sina Dominic Dalida, Hazel Claire Tan, Jenny Marcos/CFP

Please select the login method