Sa news briefing na ginanap sa Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag Oktubre 18, 2021, ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng bansa, na napanatili ang pagbangon ng pambansang kabuhayan ng Tsina nitong unang tatlong kuwarter ng 2021.
Aniya, umabot sa mahigit 82.31 trilyong Yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, na lumaki ng 9.8% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, 4.9% ang inilaki aniya ng GDP ng bansa sa ikatlong kuwarter ng 2021 kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ipinahayag pa niyang matatag ang pag-unlad ng pagsasa-ayos ng estruktura ng pambansang kabuhayan sa unang tatlong kuwarter, at natamo ang bagong progreso sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad.
Kasabay ng pagdami ng mga di-tiyak na elemento sa kapaligirang pandaigdig, matatag at balanse pa rin ang pagbangon ng kabuhayan ng Tsina, dagdag ni Fu.
Sa susunod na yugto, patuloy aniyang magsisikap ang Tsina para igarantiya ang pagpapatupad ng pangunahing target at tungkulin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa buong taong ng 2021.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio