Ayon sa datos na isinapubliko Huwebes, Hulyo 15, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, matapos ang inisyal na kalkulasyon, mahigit 53.2 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina noong unang hati ng kasalukuyang taon.
Ito ay mas malaki ng mga 12.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon dito, lumilitaw ang tunguhin ng matatag na pagbuti ng kabuhayang Tsino.
Sa kabila nito, inamin ng nasabing kawanihang Tsino na kumakalat pa rin ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, napakarami ang elemento ng kawalang katatagan at katiyakan sa labas ng Tsina, at di balanse ang pagpapanumbalik ng kabuhayang panloob ng bansa.
Kailangan pa ring magsikap para mapatibay at mapatatag ang pundasyon ng pagpapanumbalik ng pag-unlad, anito pa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio