Sa ilalim ng temang “Partido Komunista ng Tsina (CPC)-Tsina-Daigdig,” nakatakdang idaos mula Oktubre 18 hanggang 19, 2021 sa Shanghai International Convention Center ang Ika-9 na World Forum on China Studies.
Lalahok dito ang 156 na kilalang iskolar mula sa loob at labas ng Tsina, galing sa mga larangang gaya ng pulitika, kabuhayan, kultura, lipunan, at pandaigdigang relasyon.
Tatalakayin nila ang tungkol sa proseso ng pag-unlad at mga hakbang na tinahak ng CPC sa isang sentenaryo, at katuturan ng mga ito sa pag-unlad ng Tsina at buong daigdig sa hinaharap.
Idinaraos sa Shanghai ang World Forum on China Studies kada dalawang taon.
Pagkaraan ng 17 taong pag-unlad, ang porum ay nagsisilbi na ngayong isang plataporma sa antas ng estado, hinggil sa pag-aaral ng Tsina at pagpapalitan ng sibilisasyong Tsino at dayuhan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio