Ipinalabas nitong Setyembre 2, 2021 ng “People’s Daily,” opisyal na pahayagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulong pinamagatang “Paano Ipagpapatuloy ang Aming Tagumpay.”
Mula sa apat na aspektong kinabibilangan ng nukleo ng pamumuno, patnubay pangkaisipan, sistema ng organisasyon, at papel ng tagapagbunsod, ipinaliwanag ng artikulo ang karanasan kaugnay ng tagumpay ng CPC.
Samantala, inilabas din ng artikulo ang plano ng aksyon kung paano pamumunuan ng CPC ang mga mamamayang Tsino upang maisakatuparan ang Ikalawang Pansentenaryong Layunin sa gitna ng masalimuot at nagbabagong kalagayang pang-estado at pandaigdig.
Anito, ang kasalukuyang taon ay sentenaryo ng pagkakatatag ng CPC, at sa pamumuno ng partido, naisakatuparan ng Tsina ang Unang Pansentenaryong Layunin na “komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawang lipunan.”
Salin: Lito
Pulido: Rhio