Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Oktubre 20 hanggang 22 ng kasalukuyang taon, gaganapin ang ika-8 pagsusuri ng World Trade Organization (WTO) sa polisiyang pangkalakalan ng Tsina.
Ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa WTO. Nitong 20 taong nakalipas, komprehensibong ipinapatupad ng Tsina ang pangako nito bilang kasapi ng WTO, at aktibong nakikilahok sa iba’t-ibang gawain ng organisasyong ito, bagay na nakakapagbigay ng napakalaking ambag sa pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan.
Ang pagsusuri sa patakarang pangkalakalan ay isa sa tatlong tungkulin ng WTO, at ito rin ay mabisang mekanismo sa pagpapasulong ng matatag na operasyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan.
Sa ngayon, pitong beses nang sinuri ang Tsina, at natamo ang positibong bunga at malawakang papuri ng mga kasapi ng WTO.
Salin: Lito
Pulido: Mac