Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa World Trade Organization (WTO).
Sa simposyum na pinamagatang “Prospek ng Reporma ng WTO at Papel ng Tsina” na idinaos kamakailan ng Center for China and Globalization (CCG), ipinahayag ni Yi Xiaozhun, dating Pangalawang Direktor-Heneral ng WTO at dating Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nitong 20 taong nakalipas sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO, hindi lamang ito naging pinakamalaking tagapakinabang, kundi pinakamalaki ring tagapag-ambag sa multilateral na sistemang pangkalakalan.
Sinabi niya na bunga ng pagsapi ng Tsina sa WTO, nagbago ang kayarian ng multilateral na kalakalan sa buong daigdig. Ito aniya ay nakakabuti sa mga mamamayan ng buong daigdig, partikular, sa mga mamamayan sa mga umuunlad na bansa.
Tinukoy pa niya na sa proseso ng reporma sa WTO, dapat patingkarin ng Tsina ang mas konstruktibo at espesyal na papel.
Salin: Lito
Pulido: Rhio