Ipinahayag Oktubre 19, 2021, ni Luo Junjie, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ayon sa estadistika na ipinalabas nang araw rin iyon ng Ministri ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, sa unang 3 kuwarter ng 2021, matatag na bumabangon ang kabuhayan ng industriya ng Tsina.
Lumaki ng 11.8% ang kabuuang value-added ng industrial enterprises above the designated size kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Naging mas maliwanag ang papel ng industriya ng impormasyon at telekomunikasyon. Lumaki ng 8.4% ang kita ng negosyo ng telekomunikasyon kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Umabot sa 1.15 milyon ang bilang ng mga base ng 5G sa buong bansa.
Samantala, ayon kay Luo, umiiral pa rin ang probelma ng kakulangan ng automotive chips sa industriya ng sasakyang de motor. Sa susunod na yugto, patuloy na magsisikap ang Tsina para hanapin ang mga kalutasan sa problemang ito, saad ni Luo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac