Napanatili ang pagbangon ng pambansang kabuhayan ng Tsina nitong unang tatlong kuwarter ng 2021.
Sa panahong ito, umabot sa mahigit 82.31 trilyong Yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, na lumaki ng 9.8% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, 4.9% ang inilaki aniya ng GDP ng bansa sa ikatlong kuwarter ng 2021 kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Matatag ang pag-unlad ng pagsasa-ayos ng estruktura ng pambansang kabuhayan sa unang tatlong kuwarter, at natamo ang bagong progreso sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad.
Kasabay ng pagdami ng mga di-tiyak na elemento sa kapaligirang pandaigdig, matatag at balanse pa rin ang pagbangon ng kabuhayan ng Tsina
Mula rin sa ibang mga estadistika ng konsumo, produksyong industriyal, pamumuhunan sa fixed assets, paghahanapbuhay, kita ng mga mamamayan, at iba pa, mainam sa kabuuan ang kabuhayan ng Tsina sa taong ito. Mayroon ding kakayahan at kondisyon ang Tsina na maigagarantiya ang pagpapatupad ng pangunahing target at tungkulin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa buong taong ng 2021.
Editor: Liu Kai