CMG Komentaryo: Anu-ano ang ibinubunyag ng 10 libong saging sa tabi ng Charging Bull sa Wall Street?

2021-10-21 16:35:59  CMG
Share with:

Sampung libong saging ang inilagay kamakailan sa tabi ng estatuwa ng “Charging Bull” sa Wall Street, kilalang monumento sa New York, Estados Unidos.
 

Dahil dito, lumitaw ang isang bagong estatuwa ng gorilya sa di-kalayuan.

CMG Komentaryo: Anu-ano ang ibinubunyag ng 10 libong saging sa tabi ng Charging Bull sa Wall Street?_fororder_20211021Komentaryo

Ayon sa tagapag-organisa ng nasabing kampanya, layon nitong iprotesta ang walang humpay na paglawak ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, at walang awang kapitalismo sa Amerika.
 

Ang gorilya ay kumakatawan sa mga mamamayan sa mababang sangay ng lipunan, samantalang ipinahihiwatig naman ng 10,000 saging ang kahulugan ng kasabihang Ingles na “going bananas.”
 

Ayon sa nasabing tagapag-organisa, “gone bananas” o sukdulang naging kahibangan ang agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman sa Amerika.
 

Ayon sa pinakahuling datos ng Federal Reserve (Fed), pag-aari ng 10% ng mga pinakamayamang grupo ng Amerika ang 89% ng shares at fund, at ang kayamanan ng 1% ng mga “super-mayamang” grupo ay mas malaki kaysa kabuuang halaga ng kayamanan ng middle class.
 

Samantala, ipinakikita ng poll kamakailan sa mga organong gaya ng Harvard University na nahaharap sa malubhang kahirapang ekonomiko ang 40% ng mga pamilya ng Amerika, at naubos na ang lahat ng inimpok ng halos 1/5 ng mga pamilya.
 

Sa kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagiging mas mayaman ang mayayaman, at nagiging mas mahirap ang mahihirap.
 

Tinukoy naman ng ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na sa mayayamang lipunan na tulad ng Amerika, ang tuluy-tuloy na extreme poverty ay resulta ng pagpiling pulitikal ng mga umaakyat sa kapangyarihan.
 

Sa pamamagitan lamang ng malakas na mithiing pulitikal, maaaring mapawi ng Amerika ang lubusang kahirapan.
 

Pero, maliwanag pa sa sikat ng araw na kapos sa ganitong mithiin ang Amerika.
 

Sa kabila ng lumalalang agwat ng mahihirap at mayayaman, priyoridad pa rin ng mga lider na umaakyat sa kapangyarihang ekonomiko at pulitikal na ipagtanggol ang sariling kapakanan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method