Sa kasalukuyan, ang Convention on Biological Diversity (CBD) ay isa sa mga pandaigdigang kombensyon sa kapaligiran na may pinakamalaking signataryong bansa.
Noong dekada 90, nilagdaan ng Amerika ang nasabing kombensyon, pero hanggang ngayon, hindi pa tapos ang prosedyur ng pag-aaproba.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat baguhin, sa lalong madaling panahon ng Amerika ang kilos nito sa pakikisangkot sa mga suliraning pandaigdig at isabalikat ang kinakailangang responsibilidad at obligasyon.
Saad ni Zhao, sinabi ng ilang personahe na may alitan sa pagitan ng pangangalaga sa kapaligiran at kapakanan ng malalaking kapitalista, at ayaw ng Amerika na gawin ang kompromiso at sakripisyo para sa pandaigdigang kapakanang pampubliko.
Salin: Vera
Pulido: Rhio