Dokumento hinggil sa paninindigan ng Tsina sa kooperasyon ng UN, inilabas

2021-10-22 16:26:03  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Oktubre 22, 2021 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang dokumento hinggil sa paninindigan ng bansa sa kooperasyon ng United Nations (UN).
 

Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng Republika ng Bayan ng Tsina ng lehitimong luklukan sa UN.
 

Ipinakikita ng nasabing dokumento ang mga namumukod na ambag ng Tsina para sa mga gawain ng UN sa iba’t ibang larangan nitong nakalipas na 50 taon. Inilahad din ang paninindigan ng bansa sa pangangalaga sa multilateralismo, pagpapasulong sa pag-unlad ng buong mundo, magkakapit-bisig na paglaban sa pandemiya at iba pang mahahalagang isyung pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method