Sa magkakasanib na pahayag sa Ika-3 Komisyon ng Ika-76 na Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA), sinusuportahan ng 62 bansa ang pagtahak ng Tsina sa landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na angkop sa kalagayan ng sariling bansa, at tinututulan ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, gamit ang katwiran ng karapatang pantao.
Diin ng nasabing pahayag na ang paggalang sa soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa at hindi pakikialam sa suliraning panloob ng soberanong bansa ay pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.
Anila. Ang isyu ng Hong Kong, Xinjiang at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang tagalabas.
Kinakatigan din nila ang pagpapatupad ng Tsina ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Nanawagan ang pahayag na igiit ang multilateralismo, pagkakaisa at koordinasyon, at pasulungin at pangalagaan ang karapatang pantao, sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo at kooperasyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac