Olympic Channel ng CMG, pormal na naisaoperasyon

2021-10-25 17:14:10  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Oktubre 25, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa pormal na pagsasaoperasyon ng Olympic Channel ng China Media Group (CMG) at digital platform nito sa Beijing, kabisera ng Tsina.

 

Umaasa aniya siyang ang naturang channel ay makakatulong sa pagkokober sa Beijing Winter Olympic at Paralympic Games, pagpapalaganap ng kilusan at kultura ng Olimpiyada sa Tsina, at pagpapalakas ng kooperasyong pampalakasan ng Tsina at iba’t-ibang bansa ng daigdig.

 

Samantala, ipinadala naman ni Pangulong Thomas Bach ng International Olympic Committee ang video message sa seremonya ng naturang pagsasaoperasyon.

 

Ang channel na ito ay ang unang satellite television sports channel sa daigdig na 24 oras na nagsasahimpapawid araw-araw sa pamamagitan ng 4K Ultra HD.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method