Presidente ng IOC, may kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics

2021-10-18 17:12:36  CMG
Share with:

Presidente ng IOC, may kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics_fororder_20211018IOC

Sa kanyang eksklusibong panayam ng China Media Group (CMG) sa Greece nitong Linggo, Oktubre 17, 2021, inihayag ni Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC) na sa harap ng iba’t-ibang limitasyong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), may positibong progreso ang gawaing preparatoryo ng Beijing Olympic Winter Games.
 

Aniya, lipos siya ng kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.
 

Saad ni Bach, sa kasalukuyan, ang pokus ng mga gawain ng IOC ay nasa dalawang aspekto: una, pag-oorganisa at pamamalakad ng mga paligsahan; at ika-2, mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
 

Tinatalakay ng IOC, kasama ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympics, mga kaukulang departamento ng Tsina, at mga dalubhasang pandaigdig, ang kaligtasan ng bawat tao sa paligsahan, sa pamamagitan ng ligtas na paraan, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method