Pangulong Tsino, binati si Shavkat Mirziyoyev sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Uzbekistan

2021-10-26 11:00:40  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Lunes, Oktubre 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Shavkat Mirziyoyev bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Uzbekistan.

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na mula nang manungkulan si Shavkat Mirziyoyev, natamo ng Uzbekistan ang kapansin-pansing bunga ng pag-unlad, bagay na nakakapagbigay ng mahalagang ambag sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong Gitnang Asya.

Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Uzbekistan. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Shavkat Mirziyoyev para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method