Premiyer Tsino, dadalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya

2021-10-26 16:40:42  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei, dadalo mula Oktubre 26 hanggang 27, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa video meeting ng Ika-24 na ASEAN-China Summit, Ika-24 na ASEAN Plus Three (Tsina, Hapon at Timog Korea) at Ika-16 Summit ng Silangang Asya.

Premiyer Tsino, dadalo sa serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya_fororder_02likeqiang

Ipinahayag ito Oktubre 25, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Ani Wang, palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang kooperasyon sa rehiyong Silangang Asya. Inaasahan ng Tsina na sa pamamagitan ng serye ng pulong, lalo pang magkakaisa ang mga komong palagay at palalalimin ang kooperasyon ng iba’t ibang panig para magkakasamang mapangalagaan ang tumpak na direksyon ng kooperasyon ng Silangang Asya, at kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method