Sa kanyang talumpati kahapon, Oktubre 25, 2021, sa Pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong nakaraang 50 taon, mapayapang umuunlad ang Tsina at nagbigay ng benepisyo sa buong sangkatauhan. Patuloy na mananangan ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, reporma at pagbubukas sa labas, at isusulong ang multilateralismo. Nanawagan si Xi na dapat magkaisa ang iba’t ibang bansa sa daigdig para isagawa ang tunay na multilateralismo at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Si Pangulong Xi Jinping sa Pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan PRC sa UN
Tanzania-Zambia Railway
Ang Tanzania-Zambia Railway ay mahalagang linya na nag-uugnay ng Silangang Aprika at Gitna at Timog Aprika. 1860.5 kilometro ang haba nito at naisaoperasyon ito noong 1976. Ito ay isa sa mga pinakamalaking proyektong Tsino sa pakikipagtulungan sa ibang bansa, na tinawag na “Daambakal ng Pagkakaibigan.”
Turgusun hydropower station, Kazakhstan
Ito ang unang proyekto ng kooperasyon ng Tsina at Kazakhstan sa larangan ng hydropower sa loob ng framework ng Belt and Road Initiative (BRI), at naisaoperasyon na ngayon ito.
Salin:Sarah
Pulido:Mac