Limang dekada sa UN: Tsina, nagsasabalikat ng sariling responsibilidad at obligasyon, at nagpapatupad ng ideya ng mapayapang pag-unlad

2021-10-26 16:11:10  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN) kahapon, Oktubre 25, 2021, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, ang nakalipas na limang dekada ay panahon para sa mapayapang pag-unlad ng Tsina, at paghahatid nito ng benepisyo sa sangkatauhan.
 

Aniya, igigiit ng bansa ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, reporma’t pagbubukas, at multilateralismo.
 

Nanawagan din siya sa iba’t ibang bansa na palaganapin ang komong paniniwala ng sangkatauhan, ipatupad ang tunay na multilateralismo at magkakapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Limang dekada sa UN: Tsina, nagsasabalikat ng sariling responsibilidad at obligasyon, at nagpapatupad ng ideya ng mapayapang pag-unlad_fororder_20211026MisyongPamayapa

Isinalaysay ni Xi na nitong nakalipas na limang dekada, aktibong iminumungkahi ng Tsina ang pagresolba sa mga alitan sa pamamagitan ng mapayapa’t pulitikal na paraan, at ipinadala ang mahigit 50,000 person-time na tauhan sa mga misyong pamayapa ng UN.
 

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking bansang nagbabayad ng membership dues at peacekeeping assessment ng UN.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method