Limang Dekada sa UN: Napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyong pangkabuhayan, natamo ng Tsina

2021-10-26 16:03:45  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati nitong Lunes, Oktubre 25, 2021 sa pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang 50 taong nakalipas ay 50 taon ng mapayapang pag-unlad ng Tsina at pagbibigay-benepisyo sa sangkatauhan.

Limang Dekada sa UN: Napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyong pangkabuhayan, natamo ng Tsina_fororder_20211026Xispeech600

Ani Xi, igigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, landas ng reporma at pagbubukas sa labas, at landas ng multilateralismo.

Nanawagan din siya sa iba’t-ibang bansa na pasulungin ang komong ideya ng halaga ng buong sangkatauhan at ipapatupad ang tunay na multilateralismo para magkakasamang maitayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Limang Dekada sa UN: Napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyong pangkabuhayan, natamo ng Tsina_fororder_20211026Shenzhenold600

Noong unang dako ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, ang atrasadong kalagayan sa Shekou Port sa lunsod Shenzhen sa katimugan ng Tsina. (Photo Source: CCTV.com)

Noong taong 2020 ay ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ ng Tsina, na nagsisilbing pinto ng bansa sa reporma at pagbubukas sa labas.

Inilarawan minsan ng magasing Economist ang Shenzhen SEZ bilang “Milagro ng Shenzhen” at itinuring itong pinakamatagumpay sa mahigit 4,000 SEZ ng buong mundo.

Bilang selebrasyon sa apat na dekadang pag-unlad ng Shenzhen SEZ, isang maringal na pagtitipun-tipon ang ginanap noong Oktubre 14, 2020 sa Shenzhen, siyudad sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang desisyon ng bansa para mapalalim ang reporma at pagbubukas sa labas, kung saan ang Shenzhen ay patuloy na magsisilbi bilang demonstration area para sa mga pilot reform mula taong 2020 hanggang 2025. 

Ipinahayag din ni Xi ang taos-pusong imbitasyon at pagtanggap sa mas maraming dayuhan para makilahok sa pag-unlad at pagbubukas sa labas ng mga SEZ ng bansa.

(https://filipino.cri.cn/20201015/88696a8a-27b7-147d-b6a1-fb3449f7247f.html)

Limang Dekada sa UN: Napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyong pangkabuhayan, natamo ng Tsina_fororder_20211026Shenzhennew600

Noong 2020, matapos ang 40 taong pag-unlad sa espesyal na rehiyong ekonomiko ng Shenzhen, ang tunay na tanawin ng lunsod na ito na binubuo ng mga skyscrapers at urban villages. (Photo Shource: IC)

Bukod dito, ang Shenzhen ay isang melting pot na inklusibo sa iba't ibang talento at boses at lider ng inobasyong panteknolohiya. Ganito inilarawan ni Louis Marquez ang lunsod na tinaguriang kauna-unahang special economic zone ng Tsina.

Noong isang taon ay ipinagdiwang ng Shenzhen ang ika-40 anibersaryo nito at ibinida sa mundo ang matagumpay na transpormasyon mula sa isang nayon ng pangingisda tungo sa pagiging napaka-modernong lunsod ngayon.

Limang Dekada sa UN: Napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyong pangkabuhayan, natamo ng Tsina_fororder_20211026Pinoy550

Si Louis Marquez sa Tian'an Cyber Park, sa distrito ng Longgang, Shenzhen. Ito ang pinakamalaki at pinaka-inobatibong industrial real estate sa Tsina.

1998 unang tumapak sa Shenzhen si Ginoong Marquez. Ipinadala siya ng kumpanya sa Pilipinas upang tumulong i-set-up ang bagong opisina sa Tsina. Tatlong taon ang inilagi niya sa AMREP, isang quality inspection services company, bilang Technical Assistant.

Sa kaniyang pagbabalik-tanaw, "Pagkatapos nito, kinuha ako ng boss ko para magtrabaho sa kanyang bagong kumpanya naman sa Xiamen, isa ring economic zone sa Tsina. Nagtagal ako sa NORTHPOLE China Ltd., isang outdoor equipment company, bilang Sr. Quality Manager, hangang 2012 (11 years) at bumalik sa Shenzhen noong taong 2012 hanggang sa kasalukuyan (8 years)."

Mahigit isang dekada ng residente si Marquez sa Shenzhen. Napabilib siya sa nakita niyang mabilis na pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng tao sa anumang aspektong pangkabuhayan. "Meron at meron kang makikita na pagbabago taon-taon. Isa ring (nakaka-impress) ang pag-protekta sa kalikasan kasama sa pag-unlad."

(Ang buong kuwento ni Ginoong Louis Marquez: https://filipino.cri.cn/20201017/349210f4-3df2-7743-52c3-ddb7c97ce0ac.html)


Editor: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method