Noeleen Heyzer ng Singapore, nanumpa bilang bagong espesyal na sugo ng UN sa isyu ng Myanmar

2021-10-26 12:06:06  CMG
Share with:

Hinirang nitong Lunes, Oktubre 25, 2021 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) si Noeleen Heyzer ng Singapore bilang bagong espesyal na sugo ng UN sa isyu ng Myanmar.
 

Humalili si Heyzer kay Christine Schraner Burgener ng Switzerland.
 

Ang 73 taong gulang na si Heyzer ay miyembro ng High-Level Advisory Board on Mediation ng Pangkalahatang Kalihim ng UN.
 

Siya rin ang unang babaeng nanungkulan bilang Kalihim na Tagapagpaganap ng UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific, mula noong 2007 hanggang 2014.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method