Ayon sa kautasang inilabas Agosto 1, 2021 ng State Administration Council (SAC) ng Myanmar, binuo ang caretaker government ng bansa, at si Min Aung Hlaing, Tagapangulo ng SAC ang manunungkulan bilang punong ministro.
Samantala, si Soe Win, Pangalawang Tagapagngulo ng SAC, ang siya namang pangalawang punong ministro.
Sa kanyang televised message nang araw ring iyon, inihayag ni Min Aung Hlaing na matatapos ang mga gawaing preparatoryo para sa susunod na pambansang halalan sa Agosto ng 2023.
Bago ang katapusan ng 2023, idaraos aniya ang malaya, makatarungan at demokratikong multi-partidong pambansang halalan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio