Wang Yi: paghirang ng ASEAN ng espesyal na sugo sa mga suliranin ng Myanmar, kinakatigan ng Tsina

2021-08-05 15:38:17  CMG
Share with:

Wang Yi: paghirang ng ASEAN ng espesyal na sugo sa mga suliranin ng Myanmar, kinakatigan ng Tsina_fororder_20210805Myanmar

Sa kanyang pagdalo sa ika-11 pulong ng mga ministrong panlabas ng Summit ng Silangang Asya nitong Miyerkules, Agosto 4, 2021, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kinakatigan ng panig Tsino ang paghirang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kay Haji Erywan, Second Minister of Foreign Affairs ng Brunei, bilang espesyal na sugo sa mga suliranin ng Myanmar.
 

Umaasa at nananalig aniya siyang isasabalikat ng nasabing espesyal na sugo ang komong pananabik ng iba’t-ibang bansa ng ASEAN, at gagamitin ang mabisang “paraan ng ASEAN,” upang mag-ambag sa pagresolba ng mga kinakaharap na problema ng Myanmar.
 

Sa prosesong ito, patuloy na patitingkarin ng panig Tsino ang konstruktibong papel, dagdag ni Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method