CMG Komentaryo: Solemnang babala sa mga pulitikong Amerikano, agarang itigil ang paghamon sa baseline ng mga mamamayang Tsino

2021-10-28 16:11:14  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Solemnang babala sa mga pulitikong Amerikano, agarang itigil ang paghamon sa baseline ng mga mamamayang Tsino_fororder_20211028komentaryo

Ipinahayag nitong Martes, Oktubre 26, 2021 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang pagkatig sa aktibo’t may katuturang pagsali ng Taiwan sa sistema ng United Nations (UN).
 

Isang araw bago niya ilabas ang nasabing pahayag ay ang ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (RPC) sa UN.
 

Napakasama ng tangka ng panig Amerikano na palakihin ang isyu ng katayuan ng Taiwan sa UN sa okasyong ito.
 

Hindi lamang ito lantarang paghamon sa simulaing Isang Tsina, kundi malubha ring probokasyon sa hanggahan ng pasensya ng mahigit 1.4 bilyong mamamayang Tsino.
 

Ang UN ay isang pandaigdigang organisasyong pampamahalaan para sa pagsapi ng mga soberanong bansa lamang.
 

Ang PRC ay siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa Tsina.
 

Ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, at ang pagsali nito sa mga aktibidad ng organisasyong pandaigdig ay dapat kontrolin, batay sa simulaing Isang Tsina.
 

May nagkakaisang palagay hinggil dito ang komunidad ng daigdig.
 

Ang isyung may kinalaman sa Taiwan ay seryosong isyung pulitikal, sa halip na isyu ng pagpapahalaga.
 

Hinggil dito, lubusang naresolba ng Resolusyon Bilang 2758 ng Pangkalahatang Asambleya ng UN ang isyu ng pagkatawan ng PRC sa UN, sa mga aspekto ng pulitika, batas, at prosedyur.
 

Bulag ang panig Amerikano sa kasaysayan at teoryang legal, at niyuyurakan nito ang sentral na prinsipyo ng UN.
 

Iisa lamang ang sistema, kaayusan at serye ng alituntunin sa daigdig, at dapat sundin ng lahat ng mga kasaping bansa ang mga simulating napapaloob sa Karta ng UN.
 

Nitong nakalipas na maraming taon, tinanggihan ng World Health Organization (WHO) ang mosyon hinggil sa pagdalo ng Taiwan sa World Health Assembly bilang tagamasid.
 

Ito ay paninindigan ng komunidad ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method